Black Tumblr Themes
PANLILIGAW


Para sa mga lalaki:
> Mag-isip ka muna ng ilang beses bago mo ligawan yung babaeng gusto mo. Ang panliligaw ay ginagawa sa babaeng mahalaga sayo hindi yung manliligaw ka lang para magpasikat dun sa babae at ipa-Fallsiya. Huwag na huwag mong gagawin ang magpaFall dahil pag ang babae nahulog na sa mga panliligaw mo, mahirap na silang makawala. Nahihirapan sila magMove on dahil sa mga sweetness na pinapakita mo sasimula pa lang. Pag manliligaw, isang tao lang dapat. Ang panliligaw ay hindi parang trabaho na magpapasa ka ng maraming resume sa mga kumpanya at kung sino ang umoo na maganda ay dun ka, hindi ganun.

Para sa mga babae:
> Nililigawan tayo dahil gusto tayo. Haha, syempre. Pwedeng dahil maganda o dahil na din sa ugali natin. Isipin mo ng ilang beses ang lalaking sasagutin mo sa panliligaw nila para hindi ka umiyak diyan sa isang tabi. Porket gwapo eh laglag panty ka na at Oo na agad ang sagot mo. Kilatisin mong mabuti ang kaniyang ugali, pakikitungo sa kapwa at kung sino ba siya bago mo siya nakilala. Pag mambabusted naman kayo, idirect-to-the-point nyo na hindi nyo sila gusto para hindi umasa pa yung lalaki. Kasi karamihan sa inyo sasabihing “sorry, bawal pa ko magBoyfriend eh” pero pag nanligaw sayo si Crush mo “Ay, wag ka na manligaw, tayo na agad”. 

“Ang panliligaw, Hindi yan agad agad. Kilalanin mo muna yung tao, Maging friends muna kayo, Maging close muna kayo. Kapag dumating sa time na kilalang kilala mo na siya dun ka palang magpaligaw. Para kapag naging kayo, Hindi ka magsisisi.”


Artist: Marie digby

I don’t own this song.

———————————-

this song means alot for me. 

Ito ung kanta na nakakapag paalala sa akin nung mga panahon na andyan sya. Nung pinaparamdam talga nya sa akin na mahal nya ako. Nung panahon na sobrang akong lungkot na hinila nya ako patayo at ibinangon nya ako mula sa sakit ng nakaraam ko. Andyan sya. Ginabayan nya ako. 

Kahit sobrang hirap nuong para sa akin hindi nya ako sinukuan. Ganun naman talaga pag mahal mo yung isang tao diba? kahit anong hirap hindi mo hinahayaang malugmok sa lungkot at sakit.

——-

"I love you.. pstar" :(

One regret

Madami tayong pinag sisisihan sa buhay natin. Madami tayong hinihiling na  kung maaari ibalik. Pero hindi na maari, dahil nawala na ito. Hindi na pwedeng ibalik. Pero laging nandyan ang ala-ala nuon.

Isa sa pinaka pinag sisihan ko sa buhay ko ngayon, ay ung hindi ko nagawang iparamdam ng husto sa taong mahal na mahal ko ung pag mamahal ko sa kanya. Limitado ang oras na nahawakan namin. Limitado ang panahon na nakasama ko sya. Hindi man pisikal sapagkat nasa malayo ito. Yung panahon na nag kakausap kami. 

Mahirap at masakit mawalan ng taong minamahal, Pero kaylangan tanggapin eh. Hindi natin hawak ang oras ng isang tao kung kaylan ito kukunin sa atin. Kung kelan ito babawiin sa atin ng may likha. 

Natakot akong mag mahal uli, Mag tiwala at Ibigay lahat ng oras sa taong minahal ako ng lubusan. Pero kung kailan napag tanto ko na hindi dapat ako matakot na mag mahal muli, saka sya kinuha sa akin. Saka ito nawala. Dapat pala nuong palang ipinaramdam ko na. Hindi sya nag kulang sa pag paparamdam, pag unawa sa akin. 

Sana masaya na sya kung nasan man sya ngayon. Masakit tanggapin na wala sya pero kaylangan kong mag pakakatatag para sa kanya. Dahil alam kong kahit kaylan hindi nya ginusto na malungkot ako, na sirain ko ang buhay ko. 

Kung nawalan ka man ngayon, Hayaan mong hilumin ng panahon ang sakit na nararamdaman mo. Wag mong baliwalain ang mga taong nag papahalaga at nag mamahal sa’yo. Dahil hindi mo alam kung kelan ito mawawala kung kelan sila babawiin sayo. Bawat araw ng buhay mo ituring mong special. 

Recipe for LOVE

1 cup of  Romance


1 pinch of Humor


2 spoonful of Joy


1 lb of Compatibility


3 table spoon of Trust


1 cup of Respect


1/2 lb of Sharing


1 zest of Tenderness


3/4 cup of Patience

<3